Bubusisiin ng CHR o Commission on Human Rights kung uubrang magamit na ebidensya laban kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang naging pag-amin nito sa koneksyon niya sa Davao Death Squad.
Gayunman sinabi ni CHR Officer in Charge Atty. Marc Titus Cerbreros na hindi na sila nabigla sa pag-amin ni Duterte bagamat kailangan pa nila itong kumpirmahin mismo sa alkalde.
Sakaling makumpirma, inamin ni Cerbreros na posible itong gamitin ng CHR na dagdag ebidensya sa nakabinbing reklamong negligence laban kay Duterte sa Ombudsman na pa-imbestigahan ang mga pagpatay sa lungsod.
Taong 2012 pa naihain ang reklamo subalit dahil kulang sa direct evidence hindi naiugnay si Duterte sa naturang death squad.
By Judith Larino