Inaasahang dadalhin na sa Plenaryo ng Kamara ang panukalag batas na nag-aamiyenda sa umiiral na Anti-Terrorism Law sa Pilipinas.
Ito’y makaraang aprubahan ng House Committee on National Defense and Security, gayundin ng Public Order and Safety, ang nabanggit na panukala.
Sa ilalim ng inaprubahang pag-amiyenda, tinanggal na rito ang P500 pagbabayad ng estado sakaling mabigong patunayan nito na terrorista ang isang indibiduwal.
Itinatakda rin nito ang pagtatakda ng isang regional trial court bilang anti-terror courts na siyang mabilis na didinig sa mga kasong may kinalaman dito.
Inilagay din sa probisyon ng panukala ang paglilitis sa isang kaso gamit ang video conferencing alinsunod na rin sa pagpasok ng bansa sa new normal.