Magpapatupad ng ilang pagbabago sa kanilang patakaran ang makapangyarihang CA o Commission on Appointments matapos ang nangyaring balasahan sa Senado kamakailan.
Ayon kay CA Chairman at Senate President Koko Pimentel, papayagan na nila ang pagkakaroon ng secret voting sa mga confirmation hearing.
Layon nitong mabigyan ng kalayaan ang mga miyembro ng CA na makapagpasya at upang hindi malagay sa alanganin ang kanilang mga pagboto.
Mula sa dating tatlong araw, maaari nang makapagdesisyon ang mga miyembro sa loob ng 24 oras at hanggang tatlong beses na lamang maaaring sumalang ang isang appointee sa pagdinig.
Kasunod nito, sinabi ni Pimentel na awtomatikong magiging miyembro na rin aniya ng lahat ng komite sa ilalim ng komisyon ang 17 senador na miyembro ng mayorya.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno