Suportado ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon ang ilang mga initiative o pag-amyendang ginawa ng Kamara De Representantes sa panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.
Tulad ng pagtataas sa budget para sa pambili ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung saan, mula sa P2.5-bilyon ay itinaas nila ito sa P8-bilyon.
Gayundin, ikinalugod ni Drilon na naglaan ang kamara ng P2-bilyong pondo para para sa social amelioration program (SAP) o pang-ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektado ng pandemya.
Pero ayon kay Drilon, pag tinalakay na nila sa plenaryo ang 2021 budget, isusulong niya ang mas mataas na budget para sa procurement ng bakuna at para sa ayuda.
Samantala, ikinatuwan ni Drilon na naisumite na ng kamara sa senado ang 2021 general appropriations bill.
Mabibigyan anya sila ng sapat na panahon para busisin ang budget at matiyak na tumutugon ito sa mga pangangailangan ng bansa sa harap ng epekto ng COVID-19 pandemic. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)