Isinusulong ni Senate Committee on Banks Chairman Francis Escudero ang agarang pagpasa ng panukalang amendment sa Anti-Money Laundering Act na naglalayong isama na ang mga casino sa mga masasaklaw nito.
Iginiit ni Escudero na mahalagang maipasa ang Senate Bill 1468 bago ang ibinigay na deadline ng Asia Pacific Group on Money Laundering upang maiwasan na mailagay ang Pilipinas sa blacklist ng financial action task force.
Pagnagkataon, malalagay ang Pilipinas sa matinding international financial scrutiny kaya’t mas magmamahal ang gastos sa bank transactions ng mga Pilipinong nasa abroad at tiyak na makakaapekto ito sa remittance ng mga OFW.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno