Tiniyak ni House Speaker Lord Allan Velasco na ipapasa nila ang mga amiyenda para palakasin ang ngipin ng Anti-Money Laundering Act of 2021.
Sinabi ni Velasco na aaprubahan nila sa pagbabalik ng sesyon ng kamara sa ika-16 ng Nobyembre ang House Bill 6174.
Sa ilalim ng mga amiyenda sa nasabing batas, ipinabatid ni Velasco na dapat masiguro na maiibsan ang pahirap sa financial transactions lalo na ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga nasa business sector.