Ikinakasa na ni Senate President Vicente Sotto III ang panukalang pag-amyenda sa Automated Election law sa pagpasok ng 18th congress.
Ayon kay Department of Information Communications and Technology (DICT) officer in charge Eliseo Rio, inihayag ni Sotto ang kanyang plano sa hearing ng oversight committee hinggil sa naganap na aberya noong eleksyon.
Sinabi ni Rio na hybrid automation rin ang magiging laman ng panukalang batas na kailangan para sa bagong konsepto ng automated elections na itutulak ng DICT kung saan automated ang pagboto pero manual subalit mabilis ang bilangan.
Bukod anya sa mas mabilis at transparent ang isusulong nilang hybrid automation ng eleksyon, di hamak na mas mura ito kumpara sa pagbili ng bagong vote counting machines.