Inihayag ng Malakaniyang na nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na tumulong para ma-amyendahan ang batas na magpapalawig pa sa transition period ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao BARMM hanggang hunyo 2025.
Gayunman sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bagama’t nakahandang tumulong ang Pangulo, kailangan pa rin makipag-ugnayan ng Bangsamoro transition authority sa dalawang kapulungan ng kongreso.
Una rito, umapela ang bta ng tatlong taon pang dagdag para makamit ang target na Bangsamoro government.
Hindi kasi anila sapat ang tatlong taon transition period lamang.