Babalangkasin ng House Committee on Ways and Means ang isang Technical Working Group upang pag-aralan ang posibleng pag-amyenda sa Customs Modernization and Tariff Act bilang bahagi ng kampanya laban sa smuggled na produktong agrikultural.
Ayon kay Committee Chairman Albay Rep. Joey Salceda, tatapusin din ng kanyang komite ang mga Joint Memorandum Circular sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno para mapalakas ang Anti-Agricultural Smuggling Program ng gobyerno.
Binigyang diin ni Salceda na noong Pebrero 2021 ay inalerto na ng komite ang Bureau of Customs sa posibleng paglawak ng smuggling ng agricultural product sa bansa, at bilang tugon dito ay nagtayo ang naturang ahensiya ang isang joint task force kasama ang Philippine Coast Guard at iba pa. —sa panulat ni Mara Valle