Isusulong ng Motorcycle Philippines Federation (MCFP) ang pag-amyenda sa motorcycle crime prevention act o kilala rin sa tawag na ‘Doble Plaka’ law.
Sa kabila ito ng isang taon nang suspensyon sa pagpapatupad ng naturang batas para plantsahin ang mga reklamo laban dito.
Ayon kay Atoy Sta. Cruz, pangulo ng MCFP, bagamat naayos na ang problema sa laki at uri ng plaka na ilalagay sa harap ng motorsiklo, hindi naman nabago ang napakataas na multa sa sinumang mahuhuling lalabag dito.
Sa ilalim ng ‘Doble Plaka’ law, maliban sa kulong, P50,000 multa ang naghihintay sa mga lalabag sa batas.
Matatandaan na makaraan ang isang taon matapos maisabatas ay inilabas na rin ng Land Transportation Office ang implemeting rules and regulations para sa ‘Doble Plaka’ law.
Kung may penalty ‘yan at ipapatupad ng LTO na huli ng huli. Ipapa-ammend namin ‘yan, sobra. P10,000 is enough (…), tama na ‘yung penalty no’n. Ang kotse mo pag hindi mo narehistro, nahuli ka ng LTO, P10,000 ang babayaran mo d’yan,” ani Sta. Cruz. —sa panayam ng Ratsada Balita