Binuhay sa Senado ang panukalang amyendahan ang EPIRA o Electric Power Industry Reform Act kasunod ng mga pagdinig ng Committee on Energy na pinamumunuan ni Senator Sherwin Gatchalian.
Nakatutok ang mga mambabatas sa Anti-Competitive Provisions na lalong nagpapahirap sa mga electricity consumer dahil sa tila walang tigil na power rate hikes.
Layon naman ng mga pagdinig na mapababa ang power rates at maisulong ang transparency at kompetisyon sa industriya.
Ayon kay Senator Joseph Victor Ejercito, hindi natupad ng EPIRA ang pangakong magkakaroon ng maaasahan, ligtas at abot-kayang energy sources.
By Jelbert Perdez