Nag-apply na ang Sinovac para amiyendahan ang Emergency Use Authorization (EUA) at magamit ang bakuna nito sa tatlo hanggang 17 taong gulang.
Ipinabatid ito ni FDA Director General Eric Domingo at posibleng ngayong buwan ay maglabas sila ng desisyon sa application ng EUA amendment ng Sinovac para ubrang maiturok ang kanilang COVID-19 vaccine sa 3 hanggang 17 years old.
Una nang inaprubahan ng FDA ang amendment ng Pfizer sa EUA nito para magamit ang COVID-19 vaccine nito sa mga kabataan mula dose anyos pataas.
Ipinabatid naman ng DOST na target din ng moderna na maamiyendahan ang EUA nito para magamit sa menor de edad ang kanilang COVID-19 vaccine.