IDINEPENSA ni Ombudsman Samuel Martires ang isinumite nitong draft bill sa Kongreso para sa isinusulong nitong pag-amyenda sa ilang probisyon ng Republic Act No. 6713 o mas kilala bilang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Paliwanag ni Martires, kung babasahing maigi ang proposed draft bill at original text ng batas ay konti lang naman ang mababago nito sakaling paboran ng mga mambabatas dahil layon lamang nitong gawing klaro ang ilang probisyon ng RA 6713.
Ginawa ni Martires ang pahayag matapos batikusin ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ ang ipinasa nitong draft bill dahil tila gusto umano nitong busalan ang mga mamamahayag.
Una unang nilinaw ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na hindi pa naman final version ang naturang draft bill.