Suportado ng mayorya ng mga Pilipino ang pag-amyenda sa economic provision ng saligang batas.
Ayon sa Tangere survey, 62.9% ng mga Pilipino ang pabor sa economic chacha o katumbas ng pito mula sa sampung respondents, mas mataas sa 62.4% noong nakaraang buwan.
75% ng respondents ang naniniwalang magdadala ito ng mas maraming trabaho at magpababa sa presyo ng mga bilihin at serbisyo; 73% ang umaasang magpapataas ito sa sahod at benepisyo sa trabaho habang 72% naman ang tiwalang magpapaunlad ito sa ekonomiya,
Nagmula ang positibong pananaw kaugnay sa chacha sa mga respondent mula sa Northern Luzon, Central Luzon at Visayas habang taliwas naman dito ang pananaw ng repondents mula sa Mindanao at Southern Luzon.