Ito na ang panahon para amyendahan ng susunod na administrasyon ang kasalukuyang Republic Act 7941 o ang Party-List System Act.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, namimistulang hamon kasi para sa kanila ang pagbibilang at pag-compute ng alokasyon ng pwesto para sa mga uupong party-list groups.
Sa ngayon kasi hinahati nila ang bilang ng boto ng isang partylist sa kabuuang bilang ng naitalang boto para sa party-list at saka ito imu-multiply sa 100.
Aniya, ang pamamaraang ito ay nakabase sa formula ng Korte Suprema na ginamit na rin sa mga nakalipas na eleksyon.
Paliwanag ng COMELEC, anim na party-list group lamang kasi ang pasok sa two-percent club o ang dalawang porsyento sa kabuuang bilang na nalikom sa party-list race ang nakapasok.
Dahil dito, kinailangan nilang gamitin ang formula ng Korte Suprema.
Sakaling maamyedahan ang nasabing batas, magagabayan aniya ang komisyon kung paano gawin ang tamang computation.