Matapos na maging ganap na batas ang expanded maternity bill ay isusulong naman sa Kamara ang pag-amyenda sa paternity leave ng mga tatay.
Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, muling niyang isusulong sa pagbubukas ng Kongreso ang dagdag na paternty leave mula sa pitong araw ay gawin itong labing limang araw.
Aniya, kailangan na suportahan ng gobyerno hindi lamang ang mga ina kundi maging ang mga ama sa panahon ng pagsilang ng kanilang anak.
Layon nitong mabigyan ng mas mahabang panahon ang mga ama para masuportahan ng pisikal at emosyonal ang mga bagong panganak na ina gayundin ang magkaroon ng mas mahabang oras na makapag bonding ang kanilang anak.
Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang batas na nagpapalawig na maging 105 days ang maternity leave ng mga bagong ina na nagtatrabaho.