Isinusulong sa Senado ang pag-amyenda sa probisyon sa revised penal code kung saan anim (6) na taong pagkakakulong ang parusa sa salang pagnanakaw ng nagkakahalaga lang naman ng 250 piso.
Ayon kay Senate Committee on Constitutional Amendments Chairman Franklin Drilon, 1930’s pa isinulat ang nasabing parusa kaya itataas ang halaga ng ninakaw.
Sinabi ni Drilon, nagsumite na ng formula ang Department of Justice at National Economic Development Authority upang makwenta kung magkano dapat ang halagang pagbabatayan ng anim (6) na taong pagkakakulong.
Aprubado na, aniya, ito sa committee level kaya magsusumite na sila ng committee report ngayong buwan at sisikapin nilang maipasa bago ang mag-adjourn ang kongreso sa Hunyo.
By: Avee Devierte / Cely Bueno