Isinusulong ni House Deputy Speaker Prospero Pichay ang pag-amiyenda sa Republic Act 7925 o Public Telecommunications Policy Act.
Inihain ni Pichay ang House Bill 6680 para linawin aniya na kailangang kumuha ng legislative franchise ng broadcast companies para makapag-operate.
Sinabi ni Pichay na ang nakasaad sa batas ay ang pag-obliga sa public telecommunications entities at hindi sa broadcast companies na mag-apply ng congressional franchise.
Hindi aniya malinaw ang definition o pakahulugan sa ilalim ng RA 7925 sa mga terminong telecommunications, broadcasting, public telecommunications entity at franchise.
Partikular na ipinanukala ni Pichay na amiyendahan ang sections 1, 2, 3 at 16 ng RA 7965 kasama na ang pagpapalit ng titulo nito na gagawing Public Telecommunications Policy and Broadcasting Act of the Philippines.