Suportado ng house committee on Dangerous Drugs ang panukalang amyendahan ang Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002 upang mapalakas ang kampanya kontra droga ng gobyerno.
Ayon kay Surigao Del Norte Rep. Robert ace Barbers, committee chairman, kabilang sa mga panukalang pagbabago ang pagpapahintulot sa Philippine Drug Enforcement Agency na i- wiretap ang mga drug dealer, kanilang mga financier at protektor.
Kung papayagan anya ang wiretapping, mag-iingat at mangangamba ang mga sangkot sa illegal drugs trade lalo sa New Bilibid Prisons sa kanilang pakikipag-usap.
Kasama rin sa mungkahi ang pagpapahintulot sa pdea na makipagtulungan at gumawa ng confidential report sa anti-money laundering council para sa freeze order, seizure at forfeiture o imbestigasyon, inspeksyon at eksaminasyon ng financial transactions ng sinumang sangkot droga.
Ang mga nasabing pagbabago ay nakapaloob sa bill na nakatakdang i-endorso ng kumite ni Barbers sa Kamara.
By: Drew Nacino