Sisimulan na ng House of Representatives ang deliberasyon sa plenaryo ng panukalang batas na naglalayong amyendahan ang “restrictive” economic provision ng 1987 constitution sa susunod na linggo.
Sa kumpirmasyon ni House Committee on Constitutional Amendments Chairman Alfredo Garbin, nakatakda ang debate sa resolution of both houses number 2 sa Pebrero 22 o sa susunod na Lunes.
Ayon kay Garbin, hindi niya masasabi kung magiging mabilis lamang ang deliberasyon ng plenaryo sa panukala.
Lalo na’t inaasahan niya rin ang mahigpit na pakikipagdebate ng mga tinatawag na “protectionist” o mga hindi pabor na galawin ang restrictive economic provisions ng konstitusyon.
Sa kabila nito, umaasa si Garbin na hindi sila gaanong mahihirapan dahil maraming kongresista aniya ang sumusuporta sa Economic Chacha, batay na rin sa manifesto of support ng super majority.
Ini-akda ni House Speaker Lord Allan Velasco ang RBH number 2 na naglalayong luwagan ang pamumunuhan at pagmamay-ari ng mga dayuhang negosyante sa Pilipinas maliban sa pagmamay-ari ng lupa.—ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)