Tinitingnan ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang posibilidad ng isang sand boil kasunod ng pag-umbok at pag-angat ng lupa sa isang bahagi ng Candaguit River sa bayan ng San Enrique sa Negros Occidental.
Ayon sa PHIVOLCS, aabot sa isa’t kalahating metro ang taas ng naka-angat na lupa sa ilalim ng ilog na may 10 hanggang 15 metro ang haba at may lawak na nasa tatlo hanggang apat na metro.
Hinala ng PHIVOLCS, nagkaroon ng pumping activity sa lugar kaya’t gumalaw ang lupa subalit nakapagtatakang walang naitala na pagyanig sa lugar noong nakalipas na linggo.
Kasunod nito, nagpadala na ng team ang Mines and Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources o DENR para imbestigahan ang pangyayari.
—-