Ikinalugod ng Malakanyang ang pag-angat ng Pilipinas sa Rule of Law index ng World Justice Project sa taong 2019.
Ito ay matapos umakyat ng tatlong puwesto ang bansa sa 90 out of 126 countries mula sa global ranking nito na 88 out of 113 countries noong nakaraang taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, resulta aniya ito ng pagsisikap ng administrasyong Duterte para mas mapabuti ang kalagayan ng bansa.
Kasabay nito, nangako ang Malakanyang na patuloy ang gagawin nilang pagsisikap para sa mas epektibong pag-iral ng rule of law sa bansa.
Binigyang diin pa ni Panelo, hindi ito magagawa ng ehekutibo lamang kundi kinakailangan ng tulong at suporta mula sa Kongreso at hudikatura.
Kabilang sa ginamit na batayan ng World Justice Project ang limitasyon ng kapangyarihan ng gobyerno; mababang lebel ng katiwalian; pagiging bukas ng pamahalaan; order and security; regulatory enforcement at criminal justice.
Gayunman sa kabila ng pag-angat ng pwesto ng Pilipinas, isa pa rin ito sa bottom three countries kasama ang Myanmar at Cambodia sa East Asia at Pacific Region pagdating sa rule of law.