Mahigit sa kalahati ng mga gawain sa mundo ang puwede nang ipagawa sa mga robot pagsapit ng 2025.
Ayon sa World Economic Forum (WEF), pagsapit ng 2025, karamihan sa mga gawain sa mga tanggapan o pabrika ay kaya nang gawin ng mga makina kumpara sa kasalukuyang 29 percent lamang.
Sa report ng WEF na pinamagatang The Future of Jobs 2018, ibinabala nila na puwede nang palitan ng mga robots ang tao pagdating sa accounting, client management, industrial, postal at secretarial sectors.
Gayunman, lalaki naman anila ang demand sa mga trabaho na nanganganilangan ng human skills tulad ng sales, marketing at customer service.
—-