Naniniwala ang Malakanyang na produkto ng daang matuwid campaign ang pag-angat ni Sec. Mar Roxas sa pinakabagongh resulta ng Pulse Asia Survey.
Ayon kay Presidential Communications Sec. Sonny Coloma, ang 8 porsiyentong pagtaas ng rating ni Roxas ay naniniwala pa rin ang mamamayan sa kampanya ng pamahalan laban sa korapsiyon lalo pa’t napanatili rin ni Pangulong Noynoy aquino ang kanyang approval rating.
Base sa Pulse Asia Survey, pangatlo si Roxas, pangalawa si Vice President Jejomar Binay at nanguna naman si Sen. Grace Poe.
By: Jelbert Perdez | Aileen Taliping (Patrol 23)