Ikinatuwa pa rin ng Malacañang ang pinakabagong resulta ng SWS survey para sa mga kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo.
Ito’y kahit hindi pa nanguna sa nasabing survey ang pambato ng administrasyon na sina dating Secretary Mar Roxas at Cong. Leni Robredo.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kapansin-pansin pa rin naman aniya na ang pag-angat nila Roxas at Robredo sa kanilang puntos sa mga survey.
Giit pa ni Lacierda, patunay lamang ito na nag-iisip na ang mga botante sa kung sino talaga ang may record at plataporma para sa pagsusulong ng reporma at may paniniwala sa pagpapatuloy sa Daang Matuwid ng gobyerno.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)