Naka depende sa pagresolba sa pandemya ang pagtaas ng kita ng turismo sa bansa.
Ayon ito kay BSP Senior Assistant Governor Ilumnada Sicat na nagsabing posibleng sa taong 2023 pa tuluyang makabangon ang turismo sa bansa.
Kabilang sa factors nang pagbagsak ng turismo ang mabagal na vaccination program at local transmission ng COVID-19.
Bago ang pandemya, umaasa ang BSP na 15% aakyat ang kita sa turismo na hirap na anitong maabot sa ngayon kaya’t target ng Department of Tourim na manghikayat ng 10-M dayuhan sa 2022.