Suportado ng United Sugar Producers Federation ang desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na muling mag-angkat ng aabot sa 150,000 metric tons ng asukal sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ, nilinaw ni UNIFED President Manolet Lamata, na ang metriko toneladang asukal na iaangkat, ang siyang susuporta sakaling kapusin ang suplay ng sugar products.
Sinabi ni UNIFED President Lamata, na magsasagawa ng survey ang Sugar Regulatory Administration kaugnay sa planong pag-angkat ng mga asukal.
Iginiit pa ni Pres. Lamata na tama lang at hindi nila kokontrahin ang hakbang ng administrasyong Marcos, dahil tapos na ang kanilang harvesting at hindi maaapektuhan ang mga magsasaka.
Nanawagan naman sa pamahalaan si Pres. Lamata, na tulungan ang sektor ng agrikultura partikular na ang mga magsasakang maaapektuhan ng El niño at iba pang kalamidad.