Muling binanatan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang mga tumututol sa panukala ng gobyerno na mag-angkat ng 350,000 metric tons ng asukal.
Inihayag ni SRA Administrator Hermenegildo Serafica na hindi man lamang ikinunsidera ng mga detractor ang dalawang bagay sa usapin gaya ng “sugar availability at affordability”.
Dahil sa mga sariling-interes ng mga bumabatikos, napupulitika na anya ang usapin sa sugar importation at hindi man lamang naisip ng mga detractor ang food security ng bansa.
Tinaya ng SRA sa 1.9M metrikong tonelada ang produksyon ng raw sugar sa crop year 2021-2022 kumpara sa aktuwal na raw sugar production na 2.1M metric tons para sa 2020-2021.
Sa gitna naman ng pinaluwag na Alert levels mula sa COVID-19 pandemic, nagbabala si Serafica na maaaring maging limitado ang suplay, kabilang na ang sumirit na record-high na presyo ng asukal.