Inihayag ng Department of Agriculture na tuloy pa rin ang pag-iimport ng Pilipinas ng asukal para sa industrial at commercial use sa gitna ng mga ulat ng nakaambang kakulangan ng suplay nito sa susunod na buwan.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista, base sa datos mula sa sugar regulatory administration na manipis ang suplay ng asukal sa bansa.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang da sa sra para tukuyin kung paano makakaapekto ang shortage ng asukal sa pagkonsumo ng sambahayan.
Nabatid na nasa P90 ang kasalukuyang retail cost ng refined sugar habang 70 pesos naman sa brown at wash sugar.