Inaprubahan ng National Food Authority council ang pag-aangkat ng bigas sa ibang bansa.
Batay sa napagkasunduan sa ginanap na pulong ng NFA council kamakalawa, isasagawa ang pag-aangkat sa pamamagitan ng government-to-private scheme para magkaroon ng nakaimbak na bigas ang ahensya sa pagsapit ng lean months o panahon na kakaunti lamang ang ani mula sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre.
Ipinaliwanag ng NFA council na sa ilalim ng bagong sistema, hindi lamang gobyerno ng ibang bansa ang maaaring lumahok sa public bidding kundi maging ang mga pribadong kumpanya na mula sa mga bansang makikilahok sa bidding at ito ay sakop pa rin ng Government Procurement Reform Act.
Gayunman, hihintayin pa ng konseho ang rekomendasyon ng National Food Security Committee
Kung gaano karami ang aangkating bigas, batay sa natitirang standy by authority ng NFA na 250,000 metriko tonelada.
Inaasahang mababatid ang dami ng aangkating bigas sa isasagawang pagpupulong sa Mayo 18.
By: Meann Tanbio