Nilinaw ni Senador Sherwin Gatchalian na magiging limitado pa rin ang pag-aangkat ng bigas sa ilalim ng pag-iral rice tariffication law.
Ayon kay Gatchalian, walang dapat ireklamo ang mga kritiko ng naturang batas dahil layon lamang ng importasyon na punuan ang kakulangan sa supply ng bigas ng bansa.
Naka-depende umano ang volume ng importasyon ng bigas sa sigla o tamlay ng magiging ani.
Tiniyak din ni Gatchalian na hindi pababayaan ng gobyerno ang mga lokal na magsasaka na posibleng maapektuhan rice tariffication law.
—-