Sinuspinde ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Junior, ang pag-iisyu ng import clearances para sa Galunggong, Mackerel, at Bonito.
Ayon kay Secretary Laurel, ang mga nasabing isda na inangkat sa ilalim ng Fisheries Administrative Order 195 ay para lamang sa canning at institutional buyers.
Gayunman, nakatanggap ng report ang ahensya na ibinebenta sa wet markets ang mga nabanggit na imported fish.
Sa latest price monitoring report ng DA, ang locally-sourced galunggong ay ibinebenta sa average na P88.81 per kilo, habang ang presyo ng imported na galunggong ay nasa P180 per kilo.