Pinag-aaralan na ng gobyerno na umangkat ng langis sa mga bansang hindi miyembro ng Organization of Petroleum Exporting Countries o OPEC.
Ito ay sa gitna ng patuloy pa ring paglobo ng presyo ng produktong petrolyo sa merkado.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, posibleng alternatibong pagkunan ng suplay ng langis ang Estados Unidos at Russia.
Ipinabatid ni Roque na maging ang China ay sa Amerika kumukuha ng langis.
Samantala, panibagong big time oil price hike na naman ang nakaamba sa susunod na linggo.
—-