Pinayagan na ng department of Agriculture ang pag-aangkat ng live domestic birds at products mula Visayas at Mindanao patungong Luzon sa gitna ng bird flu outbreak sa San Luis, Pampanga.
Gayunman, nilinaw ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na bawal pa rin ang shipment ng domestic wild birds kabilang ang poultry meat, itlog at sisiw palabas ng Luzon bilang precautionary measure.
Papayagan lamang anya ang paglabas-masok ng mga poultry product sa kondisyon na dapat ay may permit ang shipments at may kasamang veterinarian at tanging dressed chickens ang papayagang pumasok sa mga naturang rehiyon.
Aminado naman si Piñol na batid niya ang pinagdaraanang hirap ng mga poultry operator pero hindi nila maaaring ilagay sa panganib ang buong ahensya.