Tinutulan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Junior ang rekomendasyong mag-angkat ng karagdagang 300,000 metrikong toneladang asukal.
Kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang ulat sa kabila ng pagmahal at shortage ng asukal sa merkado.
Ayon kay Cruz-Angeles, walang kalakip na termino o kondisyon ang desisyon ni Pangulong Marcos.
Ang punong ehekutibo anya ang tumatayong kalihim ng Department of Agriculture (DA) at may hurisdiksyon sa Sugar Regulatory Adminstration (SRA).
Una nang inihayag ng SRA na ang 300,000 metric tons imported sugar ay sapat na upang mapunan ang local demand at mapigilan ang labis na pagtaas ng presyo ng nasabing produkto.