Tinawag ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na “fake news of the century” ang pag angkin ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Carpio, matagal nang inaangkin ng China ang teritoryo bago pa man ang claims ng ibang bansa sa disputed waters.
Anya, lahat ng historic rights ay hindi ikinukunsidera sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.
Dagdag pa ng hukom, may ilang ekspertong unang naniniwala na ang China ang may ari ng West Philippine Sea kaya kailangang pag aralan ng mga Pilipino ang karapatan sa nasabing teritoryo.