Kinondena ng United Nations General Assembly ang ginawang pag-annex o pag-angkin ng Russia sa ilang rehiyon ng Ukraine.
Sa ginanap na pagpupulong ng mga kinatawan ng UN, nagkasundo ang mga ito hinggil sa resolusyon kung saan, suportado ito ng 143 bansa habang 35 na estado naman kabilang na ang china at india ang nag-abstain o hindi lumahok.
Kabilang naman sa mga bansang hindi sumoporta sa naturang resolusyon ang Russia, Belarus, North Korea at Nicaragua.
Nabatid na ito na ang pinakamataas na botong naitala laban sa russia mula nang sakupin nito ang Ukraine.
Sa kabila nito, hinihimok ng un ang international community na huwag kilalanin ang anumang annexation ng Russia laban sa Ukraine.