Posibleng ikunsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-anib sa Hugpong ng Pagbabago (HNP) Party ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Ito, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ay kung tuluyang magpapasya ang Pangulo na tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 National Elections.
Magugunitang pinalutang muli ni Pangulong Duterte sa pulong ng Pdp-Laban kahapon ang posibilidad na pagtakbo niya sa pagka-bise presidente bagay na sinuportahan ng mga miyembro ng partido.
“Well anything is posible in the first place hindi pa naman po sigurado na tatakbo ang presidente, he’s seriously thinking about it.” Pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque