Hindi tuloy ang itinakdang pag-anunsyo bukas, September 30 ng magiging ka-tandem ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas gayundin ang senatorial lineup ng Liberal Party
Ito ang nabatid mula kay Senate President at LP Vice Chair Franklin Drilon bagamat hindi naman nagbigay ng dahilan sa pagpapaliban ng nasabing anunsyo.
Sa halip, sinabi ni Drilon na sa October 5, Lunes na lamang malalaman ng publiko ang mga isasabak ng ruling party sa mataas na puwesto.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)