Wala pa sa hinagap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapin sa kung sino ang mamanukin nito sa papalapit na halalang pampanguluhan sa susunod na taon.
Ito’y ayon sa Malakaniyang ay kasunod ng mga balitang may nakukursunadahan na umano ang Pangulo na patakbuhin bilang kandidato ng administrasyon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, wala pa silang napag-uusapan ng Pangulo hinggil sa bagay na ito lalo’t nakatutok ang pamahalaan sa COVID-19 response.
Dagdag pa ni Roque, malayo pa sa isipan ng Pangulo ang isyu ng halalan kaya’t mas mainam kung iwasan muna ang pahayag na lilikha ng isyu sa taumbayan.—ulat mula kay Jopel Pelenio