Ipinagpaliban na ng Malacañang ang pag-anunsyo sa sisibaking opisyal ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may natanggap siyang utos na huwag munang isiwalat ang naturang impormasyon.
Hindi naman nilinaw ni Roque kung kay Pangulong Rodrigo Duterte galing ang naturang utos.
Matatandaang una nang nasibak sa ilalim ng Duterte administration sina Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Mike Sueno, Dangerous Drugs Board o DDB Chairman Dionisio Santiago at Presidential Commission for the Urban Poor Chairman Terry Ridon.
(Ulat ni Jopel Pelenio)