Kasado na ang tambalang Mar Roxas at Leni Robredo sa 2016 presidential elections.
Pormal nang ihahayag ng Liberal Party ang vice presidential bid ni Robredo sa Club Filipino sa San Juan bukas.
Kasabay ng announcement ng pagtakbo ni Robredo sa pagkabise-presidente, iaanunsyo rin ng Partido Liberal ang bubuo sa kanilang senatorial slate.
Una nang itinakda ang pag-anunsyo sa Vice Presidential candidate at senatorial line up ng LP noong Setyembre 30, subalit iniurong ito bukas.
By: Meann Tanbio