Ikinatuwa ng Malacañang ang pag-apruba ng Bicameral Conference Committee sa panukalang magtatatag ng Philippine Identification System.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na priority ng gobyerno ang nasabing panukala para na rin sa seguridad ng mga Pilipino.
Nakasaad sa naturang panukala ang iisang government issued ID system na gagamitin ng mga Pilipino sa passport, driver’s license, SSS, GSIS, PhilHealth, Pag-Ibig at NBI.
Magiging valid na rin habambuhay ang naturang ID.
—-