Welcome sa Department of Health (DOH) ang pag-apruba ng China sa Sinovac COVID-19 vaccine para sa mga bata.
Sa isang pahayag, sinabi ni Usec. Maria Rosario Vergeire na bukas ang Pilipinas oras sa paggamit ng naturang brand ng bakuna sa mga menor-de-edad lalo na kung makikita ang accuracy ng naturang pag-aaral, gayundin ang ebidensyang magpapatunay sa kaligtasan nito.
Gayunpaman, sinabi ni Vergeire na kailangan pa ring magsumite ng bagong aplikasyon ng pharmaceutical company ng naturang bakuna para sa pagbabago ng datos na nilalaman ng EUA o emergency use authorization ng Sinovac vaccines.
Oras na matapos ang naturang mga hakbang ay agad naman itong pag-aaralan ng ating mga eksperto.
Mababatid na bago nito ay napabilang na ang Sinovac vaccine sa tala ng World Health Organization (WHO) na ginawaran ng emergency use authorization (EUA).