Posibleng aprubahan ng pamunuan ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng Pfizer para sa Emergency Use Authorization (EUA) ng kanilang bakuna kontra COVID-19 bago matapos ang Enero 2021.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ito’y dahil natanggap nila ang EUA bago mag-pasko at aabutin ng 2 linggo ang gagawing evaluation sa naturang aplikasyon.
Paliwanag pa ni Domingo, mayroong hanggang unang linggo ng Enero 2021 ang mga evaluators para tapusin ang ginagawang pag-e-evaluate.
Oras na matapos ito, kaagad na isasagawa ang consolidation report bago naman ilabas ang otorisasyon ng ahensya.