Ikinalugod ng Chinese Embassy sa Maynila ang ginawang pag-apruba ng Food and Drug Administration (FDA) sa Lianhua Qingwen na isang uri ng herbal medicine na gawang China.
Sa isang pahayag, inilarawan ng embahada bilang “important progress” ang pagpasok ng mga traditional Chinese medicine products sa merkado ng Pilipinas.
Batay sa inisyung Certificate of Product Registration ng FDA, binanggit na ang “Lian Hua Qing Wen” ay nakatutulong upang mapigilan ang pagpasok ng heat-toxin sa baga, kabilang na ang mga sintomas ng lagnat, sipon, pagkirot ng muscle, at baradong ilong.
Sinasabing ginagamit din ang nabanggit na herb product laban sa mild at moderate na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa China.