Winelcome ng security officials ang pag apruba ng Kongreso sa isang taong extension ng Martial Law sa Mindanao.
Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga Pilipino na gagamitin nila ang Martial Law extension para tuldukan ang rebelyon at terorismo sa Mindanao at pigilan ang mga maghahasik ng karahasan.
Ayon kay Lorenzana nagpapasalamat sila sa tiwala ng mga mambabatas sa kanila para mapangasiwaan ng maayos ang pagpapatupad nang pinalawig na batas militar sa mindanao.
Naniniwala aniya silang dahil sa pinalawig na Martial Law ay maisusulong ang reconstruction at rehabilitation ng Marawi City.