Iginiit ni Special Assistant to the President Bong Go na minadali ng Aquino administration ang pag-apruba sa multi bilyong pisong frigate deal ng Philippine Navy.
Sa kanyang pagharap sa Senate Committee on National Defense, sinabi ni Go na maituturing na photo finish sa Aquino administration ang kontrata sa frigate deal.
Ayon kay Go, nahihirapan siyang sagutin ang mga bintang na nakialam sya sa frigate deal dahil wala talaga syang kinalaman dito.
Pakana lamang anya ito ng mga gustong manira sa Duterte administration.
Tapos na po ito sa panahon ng Aquino administration, walang nabago, walang binago, walang nakialam at walang pinakialaman sa kontrata. Pangit man pakinggan, pero matatawag na photo finish ang kontrata dahil hinabol po ito bago matapos ang Aquino administration, inosente at dinamay lang po ako sa iyung ito upang siraan ang administrasyon ni Pangulong Duterte. We are being castigated for endorsing a complaint to the proper agency. Paliwanag ni Sec. Go
Nauna rito, sa kanyang opening statement, inamin ni dating Defense Secretary Voltaire Gazmin na sa Aquino administration nagsimula ang negosasyon at pagplantsa para sa frigate deal.
Gayunman, kahit anya kasado na ang lahat, hindi sila naglabas ng notice of bids award at hindi rin nya inaprubahan ang kontrata upang ipaubaya na lamang ito sa susunod na administrasyon.
But I did not issue any approval for awarding projects and other subsequent steps during the transition period without unduly delaying the projects in accordance with the strictness interpretation of the law and to give the next administration the opportunity to issue or not to issue the necessary approval. Pahayag ni dating Dept. of National Defense Sec. Gazmin
Kinumpirma naman ni Budget Secretary Benjamin Diokno na mayroong kapangyarihan ang kasalukuyang administrasyon partikular ang Department of National Defense na repasuhin at kanselahin ang mga naplantsa nang kasunduan ng Aquino administration dahil hindi pa naman ito naaprubahan.
Pwede nilang i-review ‘yun kung gusto nila, but maybe it will take another, maybe 6 months or a year. Pahayag ni Dept. Budget and Management Sec. Benjamin Diokno
LOOK: Opening statement of Sec. Bong Go | via @blcb pic.twitter.com/F6USj1dImS
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 19, 2018