Pinapurihan ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Party-list ang pag-apruba ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa sa security of tenure bill o tatapos umano sa end of contract (ENDO).
Ayon kay TUCP Party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza, tagumpay para sa mga manggagawa ang paglusot sa mataas na kapulungan ng kongreso ang anti-endo bill.
Pero mas magiging masaya aniya ang mga orbrero lalo ang mga kumikita ng minimum at below minimum sa oras na tuluyang isabatas ang nasabing panukala.
“This time we thank the President and of course the Senate and Congress tingnan natin may bicam pa eh di kailangan pa din mag-tugma yung provisions sa Congress and also sa Senate. But we have to do it fast we only have until June 7.” Pahayag ni Rep. Mendoza.