Ipinanawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang maagang pag-apruba sa Code of Conduct (COC) sa South China Sea batay sa pandaigdigang batas.
Sa kanyang talumpati sa ASEAN Summit sa Cambodia, binigyang-diin ng Pangulo na ang COC ay magsisilbing gabay ng mga bansa upang maiwasan ang sigalot sa pinag-aagawang teritoryo.
Mahalaga aniyang mangibabaw ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na siyang nagtatakda ng universal framework sa lahat ng mga aktibidad sa karagatan.